Hello world!

Hello world, parati na lang hello world. Wala na bang iba? Hindi ba pwedeng Hello, Universe! O di kaya ay Hello, Earth! Ay ang korni ko naman hehe. Pero seryoso na. Ang tagal kong pinag isipan kung ano ang itatawag ko dito sa blog ko. Totoo pala ang kasabihang “Sa hinaba haba ng prosisyon, ay sa simbahan din ang tuloy”. Kaya heto ako, basang basa sa ulan. Hahaha. Napakarami kong pinagpilian tulad ng: lifetimesme.com(sabi ng mga kritiko ko ay mahirap daw bigkasin), myeverydayme.com(pero meron na ring everydayme.com), meron ding typingoutloud, sinubukan ko ring magisip ng kakaibang word katulad ng google, instagram, facebook, snapchat, etsetera, dahil nagbabakasakali akong makadiskubre, at maka jackpot ako at matupad na rin ang pangarap kong maging milyonaryo hahaha. At eto na nga, naisip ko ang matagal ko ng gamit na handle dati pa, ang isnabera. Kaya ngayon, mayroong hello, world! Matagal ko ng gamit ang isnabera. Siguro 1998 pa. 20 years ago na pala. Kita mo nga naman ang panahon, sobramg bilis talaga. Oh kay bilis namang maglaho ang… panahon. Akala mo itutuloy ko ulit sa kanta, ano?

Pero bakit isnabera? Dahil maiksi lang, nagulat nga ako dahil available pa! Single pa sya ika nga. Pero sa iba kung naghahanap sila ng domain name, ito ay hindi na available. Sorry, taken na.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *